‘Lobby money talks,’ si Duterte ang dapat magpatunay — Alejano

Iginiit ni Magdalo Rep. Gary Alejano na si Pangulong Rodrigo Duterte at hindi siya ang dapat na maglabas ng pruweba kaugnay ng ‘lobby money talks’ dahil ito ang unang nagpalutang sa isyu.

Ito ang tugon ni Alejano sa hamon sa kanya ni Isabela 1st District Congressman Rodito Albano na patunayan ang isyu at kung hindi ay sasampahan siya nito ng ethics complaint.

Sinabi pa ni Alejano na dismayado siya na na-offend si Albano sa resolusyon niya na imbestigahan ang umano’y pagtanggap ng suhol ng mga miyembro ng CA para ‘ilaglag’ si Gina Lopez.

Sa katunayan, Ani Alejano, ang layunin ng kanyang panukala ay protektahan ang integridad ng CA at ng Kongreso.

Speak Your Mind

*