Long duration ng power interruption, tiniyak ng DECORP na hindi nararanasan ng kanilang mga consumer

Tiniyak ng Dagupan Electric Corporation o DECORP na hindi na sila nagkakaroon ng long duration ng power interruption.

Ito ang inihayag ni Atty. Randy Castilan, leagl aide at spokesperson ang decorp sa isinagawang kbp-pangasinan chapter forum lalo na kung nagsasagawa ng maintenance sa ilang linya ng kuryente.

Inihalimbawa pa ni Castilan ang mangyayaring power interruption na mararanasan sa bahagi ng Brgy.Lucao At Tapuac, aniya sampung minuto lang ang mararanasang interruption.

Paulit-ulit anilang sinasabi na kung magkakaroon man ng power interruption, pinipilit nilang maging minimal ito upang maihatid sa mga consumer ang kanilang magandang serbisyo.

Speak Your Mind

*