LP duda sa sunud-sunod na atake sa kanilang party president

Nagdududa na ang mga miyembro ng Liberal Party (LP) sa intensiyon nang sunud-sunod na paninira laban kay LP President Senador Francis Pangilinan.

Dismayado na rin ang mga kasapi ng LP sa paggamit ng ‘fake news’ para lamang pahinain ang kanilang grupo.

Una nang kumalat ang larawan na tila magkahawak ng kamay sina Pangilinan at Senadora Risa Hontiveros nang lumabas sa Philippine National Police (PNP) Detention Facility, makaraang dalawin ang kaalyadong si Senadora Leila De Lima.

Pero natuklasang gawa-gawa lang ang isyu dahil magkahiwalay na naglakad ang dalawa, kasama ang iba pang mambabatas.

Sumunod na lumabas ang umano’y pagkakadawit ni Pangilinan sa bagong pork barrel scam pero lumitaw na iyon ay wala ring katotohanan at hinalungkat lang sa mga dating isyu.

Tumanggi naman si Pangilinan na tukuyin kung sino ang inaakala nilang responsable sa pagpapakalat ng naturang mga ‘fake news.’

Speak Your Mind

*