LP senators pumalag sa pag-absuwelto ng CA kay Napoles

Kinondena ni Senator Kiko Pangilinan ang pag-absuwelto ng Court of Appeals (CA) sa pork barrel queen na si Janet Lim Napoles.

Ayon kay Pangilinan, mistulang hindi pinaniwalaan ng korte ang testimonya ni Benhur Luy na siya ring key witness sa  PDAF cases o mga kaso sa tinatawag na pork barrel.

Kinuwestiyon din ni Pangilinan ang pagpanig ni Solicitor General Jose Calida kay Napoles.

Naniniwala naman si Senate Minority Leader Franklin Drilon na naabsuwelto man si Napoles ng CA ay mananatili pa rin ang plunder case na naisampa laban dito.

Ayon naman kay Sen. Panfilo Lacson, hintayin na lamang ang susunod na pangyayari.

Posible umanong gamitin ng administrasyon ang testimonya ni Napoles upang madiin ang iba pang mambabatas na sangkot sa PDAF na hindi pa nakasuhan.

Speak Your Mind

*