Magkapatid Na Scholars Ni Pastor Apollo Quiboloy Nagtala Ng Kasaysayan Sa 2016 Bar Exams

Sabay na nakapasa sa bar examination ang dalawang magkapatid na scholars ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa bar examination.

Sa katunayan, ito ang unang pagkuha sa eksaminasyon nina Lady Jade at Pearl Angeli Canada.

Ayon kay Lady Jade Canada, natutuwa siya at sila ay nakapasa sa kabila nang mahabang paghahanda bago ang naganap eksaminasyon.

Sinabi rin niyang si Pastor Apollo ang naging inspirasyon niya at iniaalay niya sa butihing pastor ang pagkakapasa niya sa bar examination.

Ang magkapatid na Lady Jade at Pearl Angeli Canada ay pawang scholars ng Gift of Education Program ni Pastor Apollo, ang executive pastor ng The Kingdom of Jesus Christ The Name Above Every Name mula sa pagkabata ng mga ito hanggang sa pagtatapos ng kanilang pag-aaral.

Binati naman ni Pastor Apollo ang magkapatid na Canada sa pagkakapasa sa bar examinations.

Speak Your Mind

*