Mahigit 1,500 drug police operation, naisagawa na ng Pangasinan PNP

Umabot na sa mahigit isanlibo’t limang daan ang bilang ng drug police operation na naisagawa ng Pangasinan Police Provincial  Office (PPPO) mula sa simula ang kampanya kontra ilegal na droga noong Hulyo a-uno hanggang Mayo a-bente kwatro ngayong taon.

Ito ay batay sa pinakahuling tala ng PPPO kung saan sa bilang na 1,515, umabot na sa 449 ang naisagawang search warrant, 879 ang buy-bust operation, 44 ang warrant of arrest, 39 sa oplan sita, 67 ang police response, at 10 checkpoint.

Ayon kay Police Chief Inspector (PCI) Norman Florentino, hepe ng Police Community Relations ng PPPO, sa nasabing bilang ng operation ay nakapagtala ng nahuling mga drug personalities.

Pumalo na rin aniya sa 1,532 ang naarestong drug personalities, 200 rito ay mga drug user at 1,332 ang mga drug phuser, habang umabot narin sa 33 drug personalities ang namatay sa police operation.

 

Dagdag pa ni Florentino na bunga ng pinaigting na Project Double Barrel, umabot na sa 19,442 ang drugs surrenderies habang nasa mahigit pang 2,000 un-accounted drugs personalities sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*