Higit 200K katao sa Pangasinan, gumagamit ng maintenance sa sakit na hypertension

Umaabot na sa mahigit dalawandaang libo katao sa lalawigan ng Pangasinan ang gumagamit ng maintenance para sa sakit na hypertension.

Ito ang inihayag ni Ammiel Jairuz Carino, staff nurse ng Provincial Health Office (PHO) kaugnay sa paggunita ng Hypertension Awareness Month 2017 ngayong buwan ng Mayo.

Ayon kay Carino, ang nangungunang dahilan ng pagkakaroon ng hypertension ay ang pagkain ng mga matataba at maaalat na pagkain, obesity o subrang katabaan at ang hereditary o namamana sa mga kamag-anak na mayroon ding hypertension.

Sa ngayon, naitatala na aniya ang edad labintatlo o pinakabata sa nagkaroon ng hypertension.

Dahil dito, ipinapayo ni Carino na upang maiwasan ang pagkakaroon ng pypertension, magsagawa ng regular na ehersisyo at higit sa lahat ay samahan ng tamang diet.

 

Dagdag pa ni Carino na karaniwang sintomas ng hypertension ay nakakaramdam ng pananakit ng batok, pagkahilo, pagkalabo ng paningin, at pag minsan ay umaabot sa pagka stoke.

 

Speak Your Mind

*