Mahigit dalawan daang pensyonado, dumalo sa isinagawang pensioners’ day ng SSS Dagupan Branch

Umabot sa mahigit dalawan daang pensioners ang dumalo sa isinagawang“Pensioners Day”ng Social Security System o SSS –Dagupan Branch bahagi sa selebrasyon ng kanilang ika-60 Anibersaryo.

Sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio, sinabi ni Maureen Inocencio, Senior Communications Analyst ng SSS Luzon Central Division, ang “Pensioners Day” ay taunang ginagawa kung saan iniimbitahan hindi lang ang mga senior citizen kundi maging ang lahat ng sss pensioner.

Ayon pa kay Inocencio, ang naturang aktibidad ay sabay-sabay na isinagawa sa buong bansa bilang pasasalamat sa mga pensyonado na matiyagang nagbayad ng kanilang buwanang kontribusyon

Samantala ang lahat naman ng dumalo sa pagtitipon na isinagawa sa Robinson Places Calasiao ay nabigyan ng libreng gamot at check-up,at nakibahagi sa iba’t-ibang palaro

 

Ang tinig ni Maureen Inocencio, Senior Communications Analyst ng SSS luzon central Division sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*