Mahigit P11 M pondo, inilaan para sa Livelihood Loan Program ng mga kooperatiba

Umabot na sa mahigit 11 milyong piso ang pondong inilaan ng provincial government para sa Livelihood Loan Program ng mga kooperatiba sa Pangasinan.

Ayon kay Governor Amado I. Espino III, nabenepisyuhan nito ang may 77 kooperatiba at iba pang mga samahan ng mga kababaihan at magsasaka, at 10 micro-entrepreneurs na may negosyong commodity trading, crop production, goat raising, at iba pang paggawa ng produkto.

Inihayag pa ni Espino na masusundan pa ito ng dalawang batchs ng loan release na may kabuang  halaga na 6 milyong piso para sa 44 beneficiary groups mula sa ibat-ibang barangay sa Pangasinan.

Bukod pa umano rito ang nabuong Pangasinan Federation of Livelihood Organization na lalong magpapalakas at magpapaigting sa pagnenegosyo sa mga barangay.

 

Samantala, nasimulan narin ng probinsya ang programang pangkabuhayan para sa mga small fisherfolks mula sa ibat-ibant bayan ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*