Maraming construction sites sa Region 1, hindi sumusunod sa Safety and Health Program

Aminado ang Department of Labor and Employment o DOLE Region 1 na marami sa mga construction sites sa rehiyon ang hindi sumusunod sa ipinapatupad na Occupational Safety and Health Standards.

Ito ang inihayag ni Nataniel Lacambra, DOLE Regional Director sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan ang construction sites ay kabilang sa itinuturing na hazardous workplaces.

Sinabi pa ni Lacambra na sa ilalim ng joint memorandum sa pagitan ng DPWH, DILG at DOLE lahat ng mga constraction sites maging ito ay public o private companies ay kailangan masumitte ng Construction Safety and Health Program.

Nabatid na sa Region 1, karamihan umano sa mga building officials ay hindi tumutupad sa naturang batas habang ang tanggapan naman ng DPWH District Office ay kakaunti lang ang nagsusumite ng Safety Program.

Speak Your Mind

*