Marcelino balik-duty na

Balik-duty na si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino matapos itong makalaya dalawang araw na ang nakalilipas mula sa pagkakakulong sa detention cell ng Armed Forces of the Philippines (AFP)-Intelligence Service sa Camp Aguinaldo.

    Ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda Acosta, balik na sa normal ang routine ng marine lt. col. bilang opisyal ng militar.

    Si Marcelino ay active military officer ng Philippine Marine at graduate ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1994.

    Sinabi ni Marcelino na maghihintay lamang siya ng direktiba mula sa liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa kanyang assignment.

    Inihayag din ni Marcelino na wala siyang balak na buweltahan ang mga taong nagdiin sa kanya, bagkus ay pinatawad na niya ang mga ito.

Speak Your Mind

*