Martial Law victims makatatanggap na ng kompensasyon

Inanunsiyo ng Malacañang na makatatanggap na ng kompensasyon ang unang batch ng human rights victim sa ilalim ng Rehimeng Marcos.

Ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang direktiba sa Human Rights Victims’ Claims Board para mapabilis ang proseso ng pag-e-evaluate at pagre-release ng pera.

Idadaan ang reparation payments sa LANDBANK ATM cards at matatanggap buwan-buwan.

Mga taga-Metro Manila ang unang batch na makatatanggap ng reparation at itinatakda na ang schedule para naman sa human rights victims na nasa mga probinsiya.

Speak Your Mind

*