Mas mahigpit na parusa sa mga magulang ng mga batang gagawa ng krimen isinusulong

Isinusulong ni ANAC-IP Party-list Rep. Jose Panganiban ang panukala para higpitan ang parusa sa mga magulang at matatandang gumagamit sa mga bata para gumawa ng krimen.

Ani Panganiban, mas mainam ito kaysa sa ibaba ang edad para sa criminal responsibility.

Dapat aniya ay isama rin sa kulungan ang mga magulang at kung anong krimen ang nagawa ng mga menor-de-edad ay dapat na ganoon din ang krimeng ipapataw sa mga magulang ng mga ito.

Nabatid na isinusulong ng mga kaalyado ng administrasyon sa Kamara ang pagpapababa sa age of criminal liability mula sa kasalukuyang labinlimang taong gulang — sa siyam na taong gulang.

Speak Your Mind

*