Mas malawak na batas hingil sa mga benepisyo at karapatan ng mga single parent, isinusulong ng DSWD

Nilinaw ng department of social welfare and development o DSWD region na may mga batas hingil sa benepisyo at karapatan ng mga single parent o solo parent.

Sa panayam ng dzrd sonshine radio, sinabi ni Iryn Cubangbang, information officer ng dswd-region 1 na ito ay sa ilalim ng solo parent’s welfare act or r.a. 8972.

Sa ilalim aniya ng naturang batas ay nabebenipisyuhan ang mga solo parent ng 7 days solo parent leave.

Ngunit,sinabi ni cubangbang na patuloy na isinusulong sa kagawaran ang mas malawak na benepisyo para sa mga solong magulang.

Ito ay upang matulungan hindi lang ang mga solo parent kundi maging ang kanilang mga anak.

Speak Your Mind

*