Mas maraming punong kahoy ang itanim sa kabundukan ng Pangasinan, tiniyak ng PENRO

Tiniyak ng Provincial Environment And Natural Resources Office (PENRO) na mas marami paring mga punong kahoy ang itanim sa kabundukan ng Pangasinan.

Ito ang Engr. Ronnie Jacinto, technical division chief ng PENRO kahit marami na ang naitanin na punong kahoy sa Eastern, Western At Central Pangasinan.

Sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio sinabi ni Jacinto na halos lahat ng bayan sa Eastern Pangasinan ay nataniman na ang mga kabundukan ng bayan ng Natividad, San Quntin, San Nicolas, Umingan At San Manuel.

Inaasahan naman aniya na mas malawak pa ang matataniman ngayong 2017 sa ilalim parin ng national greening program ng DENR sa tulong narin ng mga peoples organization.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Jacinto na sapat ang mga seedling na itatanim sa mga kabundukan sa Pangasinan.

Ang tinig ni Engr. Ronnie Jacinto, technical division chief ng penro sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*