Massive hiring para sa karagdagang manpower personnel, kinumpirma ng BIR

Kinumpirma ng Bureau of Internal Revenue o BIR Region I na nagkakaroon ngayon ng massive hiring para sa ibat-ibang pos1syon sa tanggapan ng BIR.

Ito ayon kay Carmelito “Lee” Caday, head ng Taxpayer Assistance Unit, BIR Region 1, ay dahil kasama ang BIR sa ipinapatupad na rationalization plan ng gobyerno.

Layun umano nito na mas mapalakas ang serbiyong ibinigay ng BIR, kayat ang bukas ang trabaho sa mga nagtapos sa kursong CPA, lawyer, at mga business course graduates para sa karagdagang manpower personnel.

Positibo naman si Caday na nakaka-comply ng BIR Region 1 sa requirement ng administrasyo ni Pangulong Duterte na isa ang BIR sa mga ahensya na kinakitaan ng tunay na pagbabago.

Speak Your Mind

*