Medical at Education Assistance, ipinagkaloob sa mga Beterano ng Pangasinan

Aabot sa mahigit Isandaan Libong Piso ang ipimahagi ng Provincial Government para sa medical at education assistance ng mga beterano sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), naipamahagi ang labindalawang (120) medical assistance na nagkakahalaga ng P5,000 sa lihitimong World War-II beterano at siyam (9) na educational assistance na nagkakahalaga ng p5,000 sa apo ng beterano.

Nilinaw naman ni Governor Amado Espino na ang naturang hakbang ay bilang pagkilala naging sakrepisyo ng mga beterano at dagdag tulong sa pangangailangan ng pamilya ng beterano.

 

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawa ng Pangasinan Provincial Government sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Espino ng medical check-ups sa lahat ng World War II beterano kasabay sa selebrasyon ng Lingayen Gulf Landings at Veterans’ day.

 

Speak Your Mind

*