Mental Health Act Of 2017 Pasado Na Sa Senado

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na naglalayong isama ang mental health services sa national health system ng bansa.

Ito ay upang mas mapadali at mura ang pagpapatingin ng mga nagkakaroon ng problema sa pag-iisip.

Ayon kay Senador Sonny Angara, panahon na para magkaroon ng batas sa bansa na tututok sa mental health ng mga mamamayan, lalo pa’t patuloy na tumataas ang bilang ng mga nagkakaroon ng problema sa pag-iisip.

Base sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO), ang Pilipinas ang may pinakamataas na insidente ng depresyon sa mga bansa sa Southeast Asia.

Dagdag pa ng senador, napapanahon aniya ang pagpasa ng nasa­bing panukala na tatawaging Mental Health Act of 2017 kapag naisabatas.

Speak Your Mind

*