Mga ina, pinaalalahanan kaugnay sa paggunita ng Safe Motherhood Week

Pina-alalahanan ng Provincial Health Office o PHO Pangasinan ang lahat ng mga ina na reponsibilidad nilang pangalagaan ang kanilang sarili.

Ito ay bilang pakikiisa ng Department Of Health (DOH) sa pagdiriwang ng 2017 Safe Motherhood Week na taunang ginugunita tuwing ika dalawang linggo sa buwan ng Mayo.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, nilinaw ni Ammiel Jairuz Carino, staff nurse ng PHO na bilang isang ina, resposilidad nilang pangalaan hindi lang ang kanilang anak at asawa, kundi maging ang kanilang sarili.

Ani, Carino, hindi dapat pabayaan ng isang ina na uminum ng Vitamins lalo na kung ito ay nagdadalang tao o nagbubuntis.

 

Samantala, nabatid na ngayong buwan ng Mayo ay ginugunita rin ang pagdiriwang ng “Cervical Cancer Awareness Month”, Road Safety Month”, “AIDS Candlelight Memorials Day”, at World No Tabacco Day”.

Speak Your Mind

*