Mga OFW sa Saudi Arabia, hinihikayat ng OWWA na ia-vail ang 90-day Amnesty Program

Patuloy na hinihikayat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 1 ang lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtratrabo sa Saudi Arabia na samantalahin ang ipinapatupad na Amnesty Program.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Justin Paul Marbella, Labor Communications Officer ng OWWA Region 1 na ang 90-day Amnesty Program ay nagsimula noong Marso 29 at magtatapos sa Hunyo 29.

Ang Amnesty Program ay isang programa ng Saudi Arabia na tinatawag na “Nation Without Violation” kung saan binibigyan aniya ng pagkakataon ang lahat ng OFW na nakagawa ng violation sa batas ng Saudi.

Sinabi pa ni Marbella na lima sa mga umuwing OFW sa bansa ay mula sa lalawigan ng Pangasinan.

Sumailalim na aniya sa orientation ang mga OFW para sa mga programang naghihintay sa kanila, habang anumang araw ay maaari na umanong makuha ang kanilang ₱5,000 cash relief assistance.

Speak Your Mind

*