Mga Pinoy, ‘di naniniwalang gaganda ang buhay — SWS

Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong naniniwalang gaganda ang kanilang buhay sa unang bahagi ng 2017.

Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 43 percent ang nagsabing inaasahan nilang gaganda ang kanilang buhay sa susunod na taon samantalang 6 percent naman ang nagsabing hindi na ito gaganda.

Dahil dito, naitala ang positive 36 net personal optimism score na mas mababa nang siyam na puntos sa positive 45 score noong Disyembre 2016.

Samantala, nasa positive 38 net optimism score naman ang naitala ng SWS para sa naniniwalang gaganda ang ekonomiya sa susunod na taon.

Mas mababa rin ito ng limang puntos kumpara sa isinagawang survey noong Disyembre 2016.

Speak Your Mind

*