Mga preso sa ‘secret jail’ hindi magsasampa ng kaso vs MPD police

Hindi umano magsasampa ng reklamo ang mga natitirang preso sa tinaguriang ‘secret jail’ laban sa mga pulis ng Manila Police District (MPD) Station 1.

Mula sa labindalawa ay apat na lamang ang natira sa mga preso ng naturang kulungan.

Pero ayon sa Commission on Human Rights (CHR), kinakausap at tinatakot ng mga pulis ang mga preso na huwag nang magsampa ng kaso.

Giit pa ng CHR, mayroon silang verified report na may isang preso ang kinausap ng mga pulis na huwag nang mag-execute ng affidavit dahil hindi rin naman umano nila papansinin ang kaso.

Itinanggi naman ito ng pamunuaan ng MPD.

Speak Your Mind

*