Mga residenteng nasa barangay, prayoridad ng training program ng TESDA

Prayoridad sa isinagawang Barangay Skills Maping ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Pangasinan ang mga kababayan natin nasa barangay.

Ito kaugnay sa ipinapatupad na Training for Work Scholarship Program (TWSP) kung saan ang bawat barangay ay nagpalista para makapag-training sa TESDA.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Modesto Velasquez, Supervising TESDA Specialist, na kapag may approved slot ng schorlarship ay agad na tatawagan ang mga napiling residente ng barangay.

 

Nabatid na sinuyod hanggang sa mga liblib na barangay at paaralan sa Pangasinan upang matukoy kung sino ang mga prayoridad na mabigyan ng training program ng TESDA.

Speak Your Mind

*