Mga shellfish na makukuha sa Pangasinan, redtide free na

Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (Bfar) na ligtas ng kainin ang lahat ng mga shellfish na makukuha sa baybaying dagat ng lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag Dr. Westly Rosario, Center Chief ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR – National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi pa ni Rosario na wala ng dapat ipangamba sa pagkain ng shellfish mula sa western pangasinan matapos alisin ang redtide toxin advisory ng BFAR nitong nakaraang Mayo a-bente sais.

Ayon kay Dr. Rosario, malaki ang naitulong ng nararanasang pag-uulan kung bakit redtide free na ang Western Pangasinan.

Bahagya naman aniyang nagkaroon ng masamang epekto ang pag-uulan ngayon sa lungsod ng Dagupan dahil sa naitalang ilang paggataw sa mga alagang bangus.

Speak Your Mind

*