Mga utos ni Lopez kontra- pagmimina babaligtarin umano ng Chamber Of Mines

Siniguro ng Chamber of Mines of the Philippines (COMP) na makikipag-ugnayan sila sa susunod na kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para mabaligtad ang mga nauna nang inilabas na kautusan ni dating DENR Sec. Gina Lopez.

Ginawa ng grupo ang pahayag matapos na mabasura ang kumpirmasyon ni Lopez bilang kalihim ng ahensiya.

Sinabi naman ng comp na hindi pa katapusan, kundi bagong kabanata pa lamang para sa mining industry ang pagkakabasura sa appointment ni Lopez.

Nanindigan ang grupo na makikipagtulungan sila sa DENR para ipagtanggol ang kalikasan at i-promote ang responsableng paggamit sa likas na yaman.

Speak Your Mind

*