Mighty Corp muling kinasuhan ng tax evasion

Isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ikalawang tax evasion complaint laban sa tobacco company na Mighty Corporation.

Nagkakahalaga ng 26.93 billion pesos ang nasabing reklamo ng BIR.

Dahil dito, nasa 36.494 billion pesos na ang kabuuan ng umano’y hindi nababayarang buwis ng Mighty Corporation.

Nag-ugat ang nasabing kaso sa umano’y paggamit ng kumpanya ng mga pekeng tax stamps para makalusot sa pagbabayad ng malaking buwis.

Speak Your Mind

*