Minorya sa Kamara bumisita kay De Lima sa Crame

Binisita ng mga miyembro ng ‘Magnificent 7’ minority bloc sa Kamara si Senadora Leila De Lima na nakadetine sa  Philippine National Police  (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.

Ilan sa mga bumisita sa senadora sina Congressmen Edcel Lagman, Emmanuel Billones, Raul Daza, Edgar Erice, Teddy Baguilat at Gary Alejano.

Sa mga nabanggit na kongresista, tanging si Alejano lamang ang hindi miyembro ng Liberal Party (LP).

Una nang bumisita kay De Lima ang mga senador na miyembro ng minorya.

Speak Your Mind

*