Minorya Sa Kamara Idadaan Sa Block Vote Ang Impeachment Vs Duterte, Robredo

Nagkasundo ang minorya sa Kamara na idadaan nila sa block vote ang impeachment complaint laban kina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.

Sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez, na hindi ito katulad ng kanilang naging boto sa Death Penalty Bill, kung saan ay pinairal nila ang conscience vote.

Pero ayon kay Suarez, wala pa naman silang malinaw na posisyon sa ikinakasang impeachment laban kay Robredo dahil hindi pa raw nila nababasa ang reklamo rito.

Giit naman ni Buhay Party-list Representative Lito Atienza, na hindi tamang gawing basehan para sa impeachment ni Robredo ang ipinadalang video message nito sa pulong ng isa sa mga sangay ng United Nations (UN).

Ayon kay Atienza, karapatan daw ni Robredo na magpahayag ng puna nito.

Speak Your Mind

*