Mosyon ni Revilla sa PDAF scam ibinasura

Ibinasura ng Sandiganbayan ang mosyon ni dating Senador Bong Revilla na i-dismiss ang kanyang plunder case kaugnay ng pork barrel scam.

Sa walong pahinang desisyon ng anti-graft court, hindi nito kinatigan ang mosyon ni Revilla dahil sa kawalan ng merito.

Nanindigan si Revilla na hindi malinaw sa reklamo laban sa kanya kung paano siya nadawit sa pork barrel scam.

Pero giit ng korte, ang pag-endorso ng dating senador sa non-governmental organizations ni Janet Napoles ang isa sa mga ebidensiyang nakibahagi ito sa pork barrel scam.

Haharap muli sa pagdinig si Revilla sa Hunyo 1.

Speak Your Mind

*