Napoles, gagamitin sa war on drugs ng admin — Roque

Kumbinsido si Kabayan Party-list Representative Harry Roque na gagamitin ng gobyerno si Janet Lim-Napoles sa nagpapatuloy na laban kontra-droga.

Matatandaang sinabi ni Roque na inakusahan ni Napoles si Senadora Leila De Lima ng pangingikil para hindi matuloy ang imbestigasyon sa PDAF scam noong kalihim pa ito ng Department of Justice (DOJ).

Ani Roque, sana ay hindi masayang ang impormasyon ni Napoles laban kay De Lima at mapanagot ang senadora sa drug trafficking.

Gayunman, sinabi ni Roque na dapat ay mapanagot sa kasong plunder si Napoles para magsilbing babala sa lahat, partikular sa mga miyembro ng Kongreso na dapat panagutan ang pandarambong.

Speak Your Mind

*