Napoles kinokonsiderang ‘high risk’ detainee ng NCRPO

Kinokonsidera ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na high risk detainee si pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles.

Ayon kay NCRPO Chief PDir. Oscar Albayalde, bagama’t nasa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Napoles, kailangan pa ring matiyak ang kaligtasan ng akusado.

Pahayag ni Albayalde, ang Philippine National Police-Regional Public Safety Battalion (PNP-RPSB) ang nakatokang magbigay ng seguridad kay Napoles sa tuwing bibiyahe patungo ng korte.

Karaniwan na rin aniyang hinihiling ng BJMP sa PNP-RPSB na magbigay ng escort at seguridad sa isang high profile inmate tulad ni Napoles na nakapiit sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

 

Speak Your Mind

*