Napoles malabong maging state witness — Pimentel

Sang-ayon si Senate President Koko Pimentel kay Pangulong Rodrigo Duterte na malabong maging state witness si Janet Lim-Napoles.

Ayon kay Pimentel, hindi kuwalipikadong maging state witness si Napoles.

Kung mangyayari aniya na maging state witness si Napoles ay maituturing itong ‘height of unfairness.’

Klaro rin aniya na kawalang hustisya o ‘miscarriage of justice’ kung magiging state witness si Napoles.

Sinabi rin ni Pimentel na ang ‘most guilty, arkitekto, engineer at konduktor ng krimen’ ay hindi maaaring hindi maparusahan sa ilalim ng batas.

Speak Your Mind

*