Napoles pormal nang hiniling na mailipat sa NBI

Pormal nang hiniling sa Sandiganbayan ng kampo ni Janet Lim-Napoles na mailipat siya sa custodial center ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa kanyang urgent motion, binanggit ni Napoles ang aniya’y araw-araw na death threats na natatanggap.

Nire-raid din umano ang mga gamit ni Napoles.

Kaya para sa seguridad ay hinihiling ni Napoles na madetine siya sa NBI Custodial Center.

Binigyan naman ang prosekusyon nang hanggang sa Lunes para magkomento sa hirit ng kampo ni Napoles na mailipat ito sa NBI.

Speak Your Mind

*