Next DENR Sec Dapat Munang Maghintay Na Ma-Confirm Bago Gumawa Ng Kontrobersiyal Na Desisyon

Pinayuhan ni Senador Manny Pacquiao ang susunod na Department of Environment and Natural Resources (DENR) secretary na itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag agad gumawa ng kontrobersiyal na hakbang samantalang hindi pa nakalulusot sa Commission on Appointments (CA).

Si Pacquiao ang chairman ng CA Committee on Environment and Natural Resources na nagsagawa ng tatlong deliberations para sa appointment ni Lopez.

Sinabi naman ng senador na kinausap niya isa-isa ang mga miyembro ng komite para sa kumpirmasyon ni Lopez pero sadyang ‘di raw mapipilit ang mga ito.

Matatandaang inalmahan ng malalaking mining companies ang utos ni Lopez na pagpapasara sa 23 mining operations at pagkansela sa 75 mining contracts.

Speak Your Mind

*