Nograles, pumalag sa paggamit sa kanyang pangalan sa Impeachment Complaint vs Robredo

Pinalagan ni PBA Party-List Rep. Jericho Nograles ang paggamit sa kanyang pangalan para mag-endorso sa impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Nograles, nagulat siya nang ipakita sa kanya ng mga abugadong sina Atty. Bruce Rivera at Atty. Trixie Cruz-Angeles ang ihahaing reklamo laban sa bise president.

Sinabi rin ng mambabatas na hindi niya kilala o nakausap ang dalawa, na nagdidiin sa kanyang pangalan para sa nasabing reklamo.

Dahil dito, nakatakdang sampahan ng kasong disbarment ni Nograles ang mga naturang abugado.

Speak Your Mind

*