Oath taking ng 2016 bar examination passers gaganapin ngayong araw

Nakatakdang manumpa ngayong araw ang mahigit tatlong libong bagong abugadong nakapasa sa 2016 bar examination.

    Gaganapin ang oath taking ceremony sa SM Mall of Asia Arena bandang alas-3:00 mamayang hapon kasabay ng special en banc session.

    Paalaala ng Public Information ng Supreme Court (SC), ang sinumang mahuhuli para sa oath taking ceremony ay hindi na papapasukin sa venue.

    Tiyakin din ng bar exam passers na dala nila ang clearance para sa event.

Speak Your Mind

*