Oil price hike ipatutupad ngayong araw

Muling nagpatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

    Simula kaninang alas-dose uno ng hatinggabi, pitumpung sentimos ang umento sa kada-litro ng kerosene.

    Animnapu’t limang sentimos naman ang taas-presyo sa kada-litro ng gasolina samantalang animnapung sentimos naman ang taas sa presyo ng kada-litro ng diesel.

    Sa ngayon, ito na ang ikalawang sunod na linggo na may dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.

Speak Your Mind

*