“Oplan Brigada Plus”, ipinatutupad ng DepEd matapos ang “Brigada Eskwela”

Itinaas na sa “Oplan Brigada Plus” ng ipinatutupad ngayon ng Department of Education (DepEd) Region 1 kasunod sa pagtatapos ng “Brigada Eskwela” nitong Mayo a-15 hanggang Mayo a-20.

Ito ayon kay Cesar Bucsit, Administrative Officer V at Public Affairs Unit ng DepEd Region 1 ay alinsunod sa inilabas na Memorandum Order ng DepEd tungkol sa School Safety and Preparedness Guide.

Sinabi pa ni Bucsit na sa Oplan Brigade Plus hindi lang nakatuon sa pagsasaayos ng paaralan kundi sakop din nito ang pagkumpuni sa mga drainage system, electrical installation, bubong at iba pa.

Kasama na rin aniya rito ang paglalagay ng mga early warning device, paghahanda ng mga first aid kit at fire extinguisher.

 

Dagdag pa ni Bucsit na bahagi ito sa safety measure at disaster management na isinasagawa ng DepEd Region 1 na naka angkla sa temang “Isang DepEd, isang pamayanan, isang bayanihan para sa handa at ligtas na paaralan”

Speak Your Mind

*