“Oplan kandado” ng BIR Region 1, mas paiigting ngayong taon

Bunsod ng pinaigting na kampanya sa “Oplan Kandado” walang naipasarang business establishment ang Bureau of Internal Revenue o BIR Regional Office 1 sa nakalipas na mga taon sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Carmelito “Lee” Caday, head ng Taxpayer Assistance Unit ng BIR Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan tanda aniya ito na nakaka-comply ang lahat ng mga tax payer.

Ngunit babala ni Caday na ngayong pinaigting nila ang kampanya ay wala silang magagawa kundi ipasara ang mga business establishment na lalabag sa ipinatutupad na Oplan Kandado.

 

 

Nilinaw naman ni Caday na may due process ang naturang programa kung saan bibigyan sila ang notice, at tamang panahon sa pagpaliwanag hinggil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Speak Your Mind

*