Pag-angkat ng bigas aprubado na ng NFA Council

Aprubado na ng National Food Authority (NFA) Council ang pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa.

Napagkasunduang isasagawa ang pag-aangkat sa pamamagitan ng government-to-private scheme sa halip na government-to-government.

Sa ilalim ng bagong sistema, hindi lamang ang gobyerno ng ibang bansa ang maaaring lumahok sa public bidding para sa rice importation, kundi maging ang mga pribadong kumpanya sa mga bansang ito.

Nakatakda namang magpulong ang mga kinauukulan para tukuyin kung gaano kadami ang kinakailangang angkating bigas.

Speak Your Mind

*