Pag-Inspeksiyon Sa Detention Facilities Iniutos Ni Dela Rosa Para Matiyak Na Walang ‘Secret Jail’

Iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa sa lahat ng police regional directors na inspeksiyunin ang lahat ng detention facilities na kanilang nasasakupan.

Ito ay para umano matiyak na walang ‘secret jail’ na kahalintulad ng nadiskubre sa loob ng Manila Police District (MPD) Station 1.

Sinabi pa ni Dela Rosa na hindi na niya tatanggapin ang rason na dahil puno na ang mga kulungan kaya sa ‘tagong kulungan’ na ilalagay ang mga preso.

Mainam aniya na posasan o itali sa rehas ang mga preso para hindi makatakas kaysa sa ilagay ang mga ito sa tagong lugar.

Aapela naman aniya ang PNP nang mas mataas na badyet para ma-renovate at mapalawak pa ang mga kulungan sa bansa.

Speak Your Mind

*