Pagbabawal sa pag-angkas ng mga bata sa motorsiklo, matagal ng ipinapatupad

Kinumpirma ng Land Transportation Office (LTO) Urdaneta City District Office na mahigpit nang ipinagbabawal ang pag-angkas ng mga bata sa motorsiklo.

Ito ayon kay Danny Martinez, LTO Chief ng Urdaneta City ay sa sa ilalim ng Republic Act 10666 o ang Children’s Safety on Motorcycle Act of 2015, kung saan bawal sumakay ang mga bata na hindi abot ng kanilang paa ang apakan ng motorsiklo.

Sinabi pa ni Martinez na bawal din ang pag-angkas ng mga bata na hindi pa kayang humawak sa bewang ng drayber.

Ang mga mahuhuling lalabag ay magmumulta ng tatlung libo hanggang limang libong piso sa una at ikalawang pagkakataon; sampung libo sa ikatlong beses na paglabag at isang buwang suspensyon ng lisensiya ng driver ng motorsiklo.

Ang lalabag sa higit pa sa tatlong beses ay papatawan ng otomatikong pagbawi ng kanyang lisensiya.

Speak Your Mind

*