Pagbabawal sa signboards sa PUVs inalmahan

Pinuna ng grupo ng mga jeepney driver at operator ang pagbabawal sa mga rosaryo at signboards sa windshields ng kanilang mga sasakyan.

Ayon kay PISTON National President George San Mateo, sang-ayon naman siya na dapat ay walang nakaharang sa ‘line of sight’ ng driver.

Pero OA naman aniya kung ipatatanggal din maging ang rosaryo at signboards.

Ang nasabing patakaran ay sakop ng Anti-Distracted Driving Act (ADDA) na ipinag-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kabilang sa mga pinatatanggal ng LTFRB ay mga depektibo at hindi awtorisadong accessories sa dashboard at windshield ng sasakyan.

Punto ni San Mateo, ang signboards ay para malaman ng pasahero ang ruta ng sinasakyang pampublikong sasakyan.

Dapat aniya ay limitahan lang ng LTFRB ang bilang ng signboards sa mga sasakyan at hindi tuluyang ipagbawal ito.

Speak Your Mind

*