Pagbasura sa impeachment raps vs Duterte, ‘premature’ — Lagman

Iginiit ni Albay Representative Edcel Lagman na ‘premature’ ang pagbasura ng Kamara sa inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, mali na humingi agad ang House Committee on Justice ng ebidensiya dahil ang layunin pa lamang ng isinagawang pagdinig ay alamin kung sufficient in form and substance ang nasabing reklamo.

Sinabi pa niya na sa pagsapit pa ng pre-trial kinakailangan ang pagpiprisinta ng mga ebidensiya at mga testigo.

Ibinasura ng Kamara ang naturang reklamo dahil umano sa kawalan ng substansiya.

Speak Your Mind

*