Pagiging state witness ni Napoles muling dinepensahan

Nirerespeto ng kampo ni Janet Lim-Napoles ang pahayag ng Ombudsman na haharangin nito ang anumang hakbang para maging state witness ang tinaguriang ‘pork barrel scam queen.’

Pero paliwanag ng abugado ni Napoles na si Attorney Stephen David, ini-apply nila ang pagiging state witness ni Napoles sa simula pa lang ng PDAF case.

Dagdag pa ni David, hindi naman maituturing na public officer si Napoles para makasuhan ng plunder.

Hindi rin umano si Napoles ang pinaka-guilty sa krimen dahil hindi ito ang nagmanipula ng lahat.

Punto ni David, kahit ang Commission on Audit (COA) ay aminadong walang ebidensiya laban kay Napoles kaugnay ng PDAF scam maliban sa statement ng whistleblower na si Benhur Luy.

Speak Your Mind

*