Pagkakaiba ng “brigada eskwela” at oplan balik eskwela”, binigyang linaw ng Deped

Binigyang linaw ng Department of Education (DEPED) Region 1 ang pagkakaiba sa ipinatutupad nilang “Brigada Eskwela” at Oplan Balik Eskwela” ngayong papalapit na ang pasukan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Cesar Bucsit, Administrative Officer V at Public Affairs Unit ng DEPED Region 1 na saklaw ng “Brigada Eskwela” ang lahat ng pagsasaayos sa loob at labas ng paraalan.

Kasama na aniya rito ang paglilinis sa mga school facilities gaya ng mga dingding, bintana, pintuan, blackboard, at buong bakuran ng paaralan.

Habang ang “Oplan Balik Eskwela” naman ay mandato mula sa DepEd Regional Office 1 na lahat ng mga guro ay mag-duduty sa opisina bago ang pasukan.

 

Layun umano ng “Oplan Balik Eskwela” na maresulba ang lahat ng isyu at mga katanungan na maaring lumutang hinggil sa pagbubukas ng klase sa June 5, 2017.

Speak Your Mind

*