Pagkakaroon ng customized training truck at training bus, isusulong sa Pangasinan

Plano ng Provincial Government ng Pangasinan ang pagkakaroon ng customized training truck at training bus upang makamit ang isinusulong na “Mobile Skill Training Project”.

Kasama narin dito ang hangarin ng probinsya na tuloy-tuloy na nakapag-sagawa ng mga Mini Jobs Fair sa bawat munisipalidad.

Sa mensahe ni Governor Amado “Pogi” Espino III sa kanyang State of the Province Address, sinabi nito na upang magawa ang naturang “mobile skill training Project” sisimulan ito sa pamamagitan ng ilang Techvoc Training Module.

 

Samantala, sa darating na buwan ng Hunyo ay ilulunsad narin ang “Bigasang Bayani, Livelihood Project” para sa pagkakaroon ng dagdag kabuhayan ang pamilya ng mga OFW sa pamamagitan ng pagtitinda ng bigas.

Magiging katuwang naman aniya rito ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magbibigay 80 percent counterpart habang 20 percent dito ay magmumula sa provincial government.

Speak Your Mind

*