Pagkakaroon ng Local Blood Council, patuloy na isinusulong ng Redcross sa mga LGU’s

 

Patuloy na isinusulong ng Philippine Redcross (PRC) Pangasinan chapter na magkaroon ng municipal blood council ng lahat ng bayan sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Raymund Prodon Lim, blood donor recruitment officer ng PRC-Pangasinan chapter, ang kahalagahan ng naturang program para sa pangangailangan ng dugo ng kanilang kababayan.

Hindi na aniya mahihirapan ang isang pasyente na kumuhan ng dugo sa oras ng kanilang pangangailangan.

 

Sa ngayon ang mayroon lamang local blood council ay ang bayan ng Sta. Barbara, Binalonan, Urbiztondo, at Lungsod ng Dagupan

 

 

 

 

Speak Your Mind

*