Pagkakaroon ng processing plant at agro-industrial facilities, isinusulong sa Pangasinan

Isinusulong ngayon ang pagkakaroon ng processing plant at agro-industrial facilities para sa mas lalo pang pag-angat ng agrikultura sa lalawigan ng Pangasinan.

Naniniwala si Governor Amado I. “Pogi” Espino na kung magkakaroon ng naturang mga pasilidad ay tiyak na mas madaragdagan ang halaga ng produkto at lalaki ang kita ang mga magsasaka.

Mas lalaki rin umano ang kita ng mga magsasaka kung ang mga produktong ani sa pangasinan ay dito na ginagawang processed goods at lalabas nang finished products.

Dapat narin umanong umangat ang livestock at poultry production dahil malaki ang protensyal nito sa pangasinan.

 

Kasabay nito, patuloy na hinihikayat ng gobernador ang mga magsasaka na suportahan ang programang ipinapatupad ng Provincial Veterinary Office na Farmers Livestock School at Technology Demonstration Farm.

Speak Your Mind

*