Pagkakatalaga kay Cimatu sa DENR welcome kay Lopez

Welcome kay outgoing Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez ang pagkakatalaga kay dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Roy Cimatu bilang bagong kalihim ng DENR.

Kasabay nito, hinimok ni Lopez ang environmental groups na bigyan ng pagkakataon si Cimatu, lalo’t itinalaga ito ni Pangulong Rodrigo Duterte .

Umaasa naman si Lopez na kahit nagmula sa hanay ng militar ay magiging bukas si Cimatu na makipagtulungan sa New People’s Army (NPA) at sa mga indigenous people.

Magugunitang interesado si Lopez na makipagtulungan sa NPA para sa kanyang mga proyekto noong siya pa ang kalihim ng DENR.

 

Speak Your Mind

*